Jump to Content

Magagamit mo ang kabuuan ng Google

Mag-sign in sa iyong Google Account, at sulitin ang lahat ng serbisyo ng Google na ginagamit mo. Nakakatulong sa iyo ang account mo na gumawa ng higit pang bagay sa pamamagitan ng pag-personalize ng iyong karanasan sa Google at pag-aalok ng madaling access sa pinakamahahalaga mong impormasyon mula sa kahit saan.

Google-icons

Tinutulungan ka

Kapag naka-sign in ka, swabeng gumagana ang lahat ng serbisyo ng Google para alukin ka ng tulong sa mga pang-araw-araw na gawain gaya ng pag-sync ng iyong Gmail sa Google Calendar at Google Maps mo para matiyak na palagi kang updated sa iyong iskedyul.

Binuo para sa iyo

Anuman ang device o serbisyo ng Google na gamit mo, magbibigay sa iyo ang account mo ng magkakatugmang karanasang puwede mong i-customize at pamahalaan anumang oras.

Pinoprotektahan ka

Protektado ang iyong Google Account ng seguridad na nangunguna sa industriya na awtomatikong nakakatulong sa pag-detect at pag-block ng mga banta bago pa man makarating sa iyo ang mga ito.

Handang tumulong

Mas maayos na gumagana at mas magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang mga serbisyo ng Google, mula Chrome hanggang YouTube, kapag naka-sign in ka. Nagbibigay sa iyo ang account mo ng access sa mga kapaki-pakinabang na feature gaya ng Autofill, mga naka-personalize na rekomendasyon, at marami pang iba — sa kahit na anong oras sa anumang device.
Autofill
Mas epektibo para sa iyo
Manatiling konektado, sa buong internet

Autofill

Nakakatulong sa iyo ang Google Account mo na makatipid ng oras sa pamamagitan ng awtomatikong pagsagot sa mga password, address, at detalye ng pagbabayad gamit ang impormasyong na-save mo sa iyong account.

autofill

Mas epektibo para sa iyo

Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, gumagana nang magkakasama ang lahat ng serbisyo ng Google na ginagamit mo para tulungan kang makagawa ng mas maraming bagay. Halimbawa, awtomatikong isi-sync sa Google Calendar at Google Maps mo ang mga kumpirmasyon ng flight sa iyong inbox sa Gmail para tulungan kang makarating sa airport sa tamang oras.

Works better for you

Manatiling konektado, sa buong internet

Mula sa pagpapatuloy ng mga video sa YouTube sa iba't ibang device, hanggang sa mabilis na paghahanap sa iyong mga contact at paboritong app sa Play Store, nagbibigay-daan sa iyo ang isahang pag-sign in na magkaroon ng seamless na experience sa buong Google. Pinapadali rin ng iyong Google Account ang pag-sign in sa mga third-party app sa ligtas at mabilis na paraan, kaya naman dala mo ang lahat ng iyong preference maging sa labas ng Google.

Stay connected

Para lang sa iyo

Pine-personalize para sa iyo ng Google Account mo ang bawat serbisyong iyong ginagamit. Mag-sign in lang sa account mo para i-access ang iyong mga kagustuhan, privacy, at mga kontrol sa pag-personalize mula sa anumang device.
Instant na pag-access
Mga kontrol sa privacy
Isang ligtas na lugar para sa iyong impormasyon

Instant na pag-access

Isang tap lang ang kailangan mo para puntahan ang iyong data at mga setting. I-tap lang ang iyong larawan sa profile at sundin ang link para “Pamahalaan ang Google Account mo.” Mula sa iyong larawan sa profile, madali ka ring makakapag-sign in, makakapag-sign out, o makakapag-on ng Incognito mode.

Instant access

Mga kontrol sa privacy

Pagdating sa privacy, alam naming hindi aangkop ang isang bagay para sa lahat. Kaya naman ang bawat Google Account ay may mga madaling gamiting kontrol at tool gaya ng Privacy Checkup para mapili mo ang mga setting sa privacy na angkop para sa iyo. Makokontrol mo rin kung anong data ang sine-save sa iyong account sa pamamagitan ng mga madaling gamiting kontrol sa pag-on/pag-off, at puwede mo ring i-delete ang iyong data ayon sa petsa, produkto, at paksa.

Privacy Control

Isang ligtas na lugar para sa iyong impormasyon

Binibigyan ka ng iyong Google Account ng isang ligtas at pangunahing lugar para i-store ang personal mong impormasyon — gaya ng mga credit card, password, at contact — para maging available ang mga ito para sa iyo anumang oras sa internet kapag kailangan mo.

safe place

Pinapanatiling pribado, ligtas, at secure ang iyong impormasyon

Talagang mahalaga ang pagprotekta sa lahat ng impormasyon sa iyong Google Account lalo na sa panahong ito. Kaya naman bumuo kami ng mahuhusay na proteksyon at tool gaya ng Security Checkup at Google Password Manager sa bawat account.
Built-in na seguridad
Security Checkup
Google Password Manager

Built-in na seguridad

Awtomatikong pinoprotektahan ng iyong Google Account ang personal mong impormasyon at pinapanatili itong pribado at ligtas. Ang bawat account ay may mahuhusay na feature gaya ng mga filter ng spam na nagba-block sa 99.9% ng mga delikadong email bago pa man makarating ang mga ito sa iyo, at mga naka-personalize na panseguridad na notification para alertuhin ka tungkol sa kahina-hinalang aktibidad at mga nakakapahamak na website.

Built-in security

Security Checkup

Nagbibigay sa iyo ang simpleng tool na ito ng mga naka-personalize na rekomendasyon para makatulong na mapanatiling secure ang account mo.

Security checkup

Google Password Manager

May kasamang built-in na password manager ang iyong Google Account na secure na nagse-save ng mga password mo sa isang pangunahing lugar na ikaw lang ang makaka-access.

Google password manager

Nagsisimula rito ang iyong Google