Kahubaran ng Nakaraan, Kahulugan ng Kasalukuyan: Isang Tematikong Pagbasa sa Simbolismo ng Butò sa mga Salaysaying Bayang Pilipino
Asian Center, University of the Philippines Diliman (2025)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Titi, butò, phallus o anopaman ang katumbas nito, isang bahagi ng katawan na sa matagal na panahon ay hindi gaaanong napag-aaralan at nabibigyan ng diskurso. Habang nahirati ang karamihan sa pagtupad ng layuning mapagyaman ang kaisipang Pilipinong nakatuon sa kasarian at seksuwalidad, may pangangailangan ding mabigyan ng puwang ang mga genitalia. Gayong isa ito sa primaryang bumubuo sa kabuoang pagkatao ng mga Pilipino. Ito ay upang makapagpalitaw ng natatanging ambag para sa ikasusulong ng somatikong pag-aaral tungkol sa Pilipinas. Habang ginabayan ng mga heuristikong batayang teoretikal na may kinalaman sa pagsipat ng pagbubuo at pag-uugnay ng pagkataong Pilipino, eksploratoryong siniyasat ng pag-aaral na ito ang tematikong pagbasa sa simbolismo ng butò sa lipunan at kulturang Pilipino. Malaking porsiyento nito ay ipinaluwal mula sa “pagbubuo” ng mga nakalap na salaysaying bayan sa anyo ng pansambayanang naratibo, kulturang materyal, at maging mga ekspresibong kultura at/o tradisyon. Tumuon ang aking pananaliksik sa tatlong sentral na katanungan: (1) sa kaantasang semantikong simbolismo, paano lingguwistikong maimamapa ang kahulugan ng butò at ang mga konotasyon nito? (2) anu-anong simbolismo at/o kahulugan ng butò ang masusumpungan sa iba’t ibang salaysaying bayan ng mga Pilipino, at (3) mula sa mga tinipong salaysaying bayan, paano ito nakaapekto sa paghulma at pagtugon sa kanilang mga pananaw-sa-daigdig (world view) hanggang sa kasalukuyan panahon? Kaya’t pag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan ang naging hakbang upang tuluyang mabigyan ng pansamantalang kahulugan ang butò bilang bahagi ng katawan at “pagkataong Pilipino.” Kailangang mahubaran ang nakaraan upang malaman ang kahulugan ng kasalukuyan.

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Analytics

Added to PP
2025-05-10

Downloads
1,413 (#25,578)

6 months
916 (#2,289)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?